__________________________________________________________________________________

Dream Classmates to Practice on My Photography.

Darryl Chavez
Sarakiel Tandingan
Emerie Guarino
Jasem Reyes
Hazel Licmuan
Caren Benavidez
Kiel Batao
Alexandra Ang
Jannel Paquibot

Pangarap.

Maraming taong nangangarap maging artista. Marami ring nangangarap na maging successful sa buhay, magkaron ng maganda girlfriend, maraming kaibigan at yumaman. Pero saan nga ba natin nahuhugot yang mga pangarap natin? Minsan sa isang babae, minsan sa isang lalake. Minsan sa pera, mga bagay na gusto mo, minamahal o dahil yun ang gusto mong mangyari. Marami akong pangarap na gusto kong mangyari, kahit na halatang imposible. Una na don ang mag-lead ng isang worship sa isang International Leaders Conference, o kaya kahit sa Liveloud man lang. Pangalawa, magandang buhay. Maraming naghahangad nito kahit konti lang ang nagwawagi dahil na rin sa kasipagan at pagsisikap nila. Pangatlo, walang hangganang pagmamahalan namin Leviel. Yan lang. Kapag natupad yang tatlo na yan, pwedeng pwede nyo na akong ipa-patay. Pangarap. Isang bagay na nag-iinspire sa atin na humakbang kahit na nahihirapan na tayo, para lang matupad ang mga ito. Gusto natin silang matupad dahil, matagal na natin itong hangad o kaya ay meron tayong pinag-aalayan nito. Ang pagtupad ng isang pangarap ay ang isa sa mga pinakamasarap na pakiramdam, hindi lang yung feeling na may na-accomplish ka. Kundi dahil sa paghihirap mo.

P.S.

-Wow naman, 10 followers. Keep reading!

yumileviyeng asked: ajujujujujujuj nakanang. post more. im enjoying this.

Anything for my followers.

Landi.

landi
land´i’ adj. flirtatious [syn. kir´i, bali- hand´a’, taland´i’, land´it]

And flirt in english is engaging in playful courtship. Maraming tumatawag sakin ng malandi. At, minsan naiisip ko, bakit nga ba? Dahil ba, insecure sila? Walang lovelife? Ewan. Pero pare-parehas lang yang mga yan, na tinatawag nila akong malandi. Dahil ba madikit ako sa babae? O dahil wala ka ngang lovelife? Well, meron rin na ang mga facts na pwedeng mapatibay ang sinasabi nyo. Una, seven na ang naging girlfriends ko. Tatlo pa lang ang minahal ko sa kanila dahil nga pinaglalaruan ko lang ang pag-ibig noon. Pangalawa, yun nga, clingy ako masyado sa babae. Pero ano nga ang landi? Sabi ng marami, wala lang landian, kunware syota mo, tas pag may nainlove wala lang. Pero para sa akin? Landi = Libog. Pinagmumulan ng libog yan. Tae basta ako, kay Mary Leviel Ame Nicolas nalang ako. Walang landi, pagmamahal lang.

Pag-ibig.

Hala, ewan ko ba. Naiipit ako, dahil siguro sa boredom? Ayan tuloy, natabi nanaman ako sa isa pang babae. Bago kasi yung BlackBerry ko. Lalo na yung BBM, walang contacts, kaya hanap lang ako nang kahit sinong may BB. Kaya ayan, na-add ko na ‘tong babae na, to. Nagkagustuhan kame, habang umiibig ako kay SJ Mercado, oo yung asawa ko (daw) na nasa planong mag-enroll dito sa Qatar next school year. Tae yan, hindi ko alam kung pano ko puputulin yung kay kabilang girl. Gusto ko pa namang maging loyal sa asawa (daw) ko. Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pagkakaintindi mo ba sa pag-ibig ay: “Love is patient, love is kind, it does not envy, it does not boast, it is not proud, it is not rude. It is a not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight of evil, but rejoices with the truth It always protects, always trusts, always hopes and always perseveres.” ? Tama naman yan, pero para sa akin ang love, magulo. Sa naging 7 girlfriends ko, tatlo lang ang sineryoso ko. Yung inibig ko ng tunay. Pinagsisisihan ko nga kung bakit ako nakipagbreak e, ang gaganda nilang lahat. Pero yun nga, love lang ang nagpapatakbo ng buhay natin. At kapag sinabing love e, boyfriend o girlfriend na agad. Pwede naman sa family, friends, etc. So yun lang for now. At higit sa lahat, di ko pa rin ikakalat tumblr ko.

JESUS>RELIGION

Tagal ko na ring napanuod yung video na about dito e, pinapakita lang naman yung…basta, search nyo nalang. Ganda rin ng meaning. Tapos parang nagrarap pa nga e, may mga rhymes. Self-explanatory siya, tulad ng panonood mo ng porno, kahit YFC ka. Pagmumura, kahit alam mong bawal. PMS, kahit alam mo na hindi siya tama. Kahit mali, gagawin natin, kase masarap siyang gawin. Tapos kapag na-realize mo na mali ka, tsaka ka manghihingi ng tawad. Hindi ka man tanggapin ng religion mo. Nanjan si Jesus, na hindi tayo iniwan, sinalba tayong lahat sa mga kasalanan na ginawa natin. At ang pangangailangan na pagsisimba, pagrorosaryo? Hindi siya kailangan gawin, o kapag hindi mo nagawa, mahihiya ka nang maging Katoliko. Dahil basta malakas ang kapit at pananampalataya mo sa Diyos, hinding hindi ka mahuhulog.

Uso.

Ayon. Dahil ma-pride akong tao at independent sa tumblr, wala akong i-fofollow, wala rin akong sasabihan na may tumblr ako. Bahala kayo kayong 2-3 lang. Kayo lang ang lakas ko. :)) So, back to my first “himay” blog, hahaha. Tawagin natin siyang himay a. Ang topic ko ay ang pagka-uso or uso itself. Nakakita kasi ako ng tweet na nagsasabing “ANG USO NGAYON AY HINDI SUMUNOD SA USO!” Tama. Pero alam mo ba ang meaning? Maraming nauusong damit, websites, cellphones, malls, laruan, bag, accessories at kung ano-ano pa. Sigurado ako na may isang nagbabasa neto ay gumagamit ng iPhone, kasi nga uso. O kaya, BlackBerry pang-bbm. Teka, bumalik nga tayo. Ano bang nangyari nung naki-uso ka? Naging sikat ka ba? Naging “in”? Hindi pa rin natin masusukat sa mga bagay na yan ang pagiging cool mo. Magiging cool ka lang, kung ikaw mismo ang makakapagpauso ng sarili mong bagay o creation. Tignan mo si Vice Ganda, daming pauso, yan tuloy, SIKAT. Never yang nakiuso sa ibang tao. What I mean to say is, be you. Eh ano ngayon kung wala kang Bench na shirt? Eh ano kung wala kang Louis Vuitton na bag? Tao ka pa rin. Magiging engot ka lang, dahil pag dumating ang panahon, malalaos din yan. Pero kung makikiuso ka na hindi sumunod sa uso, ang gawin mo ay gumawa ka ng sarili mong style. Be unique. Sabi nga nila “You were born an original. Don’t die a copy.

sjmercadooo asked: :D

happy anniv. =))

Merry Christmas!

~Lacoste na watch lang naman ang natanggap ko. ._.

Balik-Tumblr.

eh pano ba naman. di ko na kayang mag-anon everyday. namimiss ko na siya e. =))

1 2